IDADAAN NA LANG SA GITARA: Isang Pagsusuri sa Parokya Ni Edgar- Gitara MV

Parokya ni Edgar by Kanuto1028

Parokya Ni Edgar

Tinagurian ng mga lokal na mga kagawaran sa Pilipinas ang bandang Parokya ni Edgar bilang Pambansang Banda ng Pilipinas. Nagsimula ang nasabing banda sa isang patimpalak sa kanilang paaralan, ang Mataas na Paaralan ng Ateneo de Manila, bilang normal na mga tagapagtanghal lamang sa isang parte ng programa. Mula roon, nagtuloy-tuloy ang kanilang pagtugtog hanggang sa nakapagtanghal sila kasama ang kanilang pinakainiidolong banda,  ang Eraserheads, na nagsilbing matibay at matinding pundasyon sa larangan ng musika at para sa mga banda sa Pilipinas. Doon nagsimulang umusbong ang hindi inaasahan na pagtubo ng isang ‘di masukat na pangarap na siyang nagpabago sa kani-kanilang mga buhay. Nagsimula silang gumawa ng mga sariling kanta na silang hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng maraming Pilipino.



Parokya Ni Edgar- Gitara

Sa panulat ni Melquiades Marcus N. Valdez noong 1997, binigyang buhay at tunog ng bandang Parokya ni Edgar ang kantang “Gitara” noong 2005 sa ilalim ng produksyon ng Universal Records Ph. Kinabibilangan nila  Alfonso “Chito” Miranda, Jr. at Francis Vincent “Vinci” Montaner bilang mga bokalista, Dindin Moreno bilang tambolero at Buhawi Meneses, Gabrielle Ignatius “Gab” Chee-Kee, at Darius Semaña bilang mga gitarista ang bandang Parokya Ni Edgar. Napasali ang kantang “Gitara” sa kanilang album na pinamagatang “Halina sa Parokya” kasama ng mga kantang pumatok din tulad ng “Para Sayo”, “Papa Cologne”, “Mang Jose”, at iba pa.


Makikita ang bahid ng impluwensiya ng kasaysayan sa music video ng “Gitara” ng Parokya Ni Edgar sa pamamagitan ng tunog nito, tema na batay sa tauhan at tagpuan ng nasabing music video at liriko ng mismong kanta.


TUNOG:

Pagbabago ng Tunog ng Orihinal na Musikang Pilipino sa Paglipas ng Panahon

This slideshow requires JavaScript.

Kasabay ng paglipas ng panahon, nagkaroon din ng mga pagbabago sa timpla ng kanilang tugtugan. Paulit-ulit na nababanggit ng Parokya ni Edgar, sa kanilang mga panayam at mga kanta tulad ng “One Hit Combo“, kung gaano nila iniidolo ang bandang Eraserheads na nilarawan nilang nagsilbing gasolina ng kanilang loob upang sikaping abutin ang kanilang mga pangarap. Kaya naman nasasalamin ng ilan sa mga nauna nilang kanta tulad ng “Buloy (1996)“, “Maniwala Ka Sana (1996)“, “Silvertoes (1997) ” ang tugtugin na melodic guitar rock ng Eraserheads na tinaguriang “Philippines’ own Beatles” dahil sa dyanra nito at dahil sa ganda at lalim ng bawat mensahe na hatid ng mga liriko ng kanilang mga kanta.

Dagdag pa rito, nagbigay inspirasyon sa kanilang mga kanta ang musika ng mga tinitingala nilang mga banda mula sa ibang bansa. Halimbawa nito ang pagkakatulad ng kanta nilang Ordertakersa mga kantang Chop Suey” at “Toxicityng bandang System of Down na nagmula sa California. Hinango mula sa mga musikang ito ang mga elemento ng tugtugan na rock, tulad ng tono at timpla nito, sa nasabing kanta ng Parokya ni Edgar. Gayundin ang dayuhang kantang I Will Surviveng bandang Cake mula sa Estados Unidos, kung saan inayon ng Parokya ni Edgar ang estilo ng musikang ito sa kanilang kantang Picha Piena inilabas noong 1999.

Sa kalaunan, mapapansing nagbago mula sa rock patungong acoustic ang dyanra para sa kantang “Gitara”. Malumanay ito at kakaiba sa mga karaniwang kantahan ng Parokya ni Edgar na kadalasang rock ang dyanra. Ayon sa Cosmopolitan, kasabay ng paglabas ng kantang ito ang pag-usbong ng mga kaparehong malulumanay na mga musika mula sa iba’t ibang mga mang-aawit tulad ng “The Day You Said Goodnight ” ng Hale, “You’ll Be Safe Here” ng Rivermaya, “Wag na Wag Mong Sasabihin” ni Kitchie Nadal at iilan pa. Mapapansin mula sa mga kantang ito na mayroong pagkakapareho pagdating sa emosyong ipinapadama —malumanay na kalungkutan.


TEMA:

Sinasalamin ng mga Kasuotan ng mga Tauhan at ng Tagpuan ng Produksyon ng music video ng “Gitara” ang Epekto ng Pagpasok ng Unang Koreanovela sa Pilipinas

This slideshow requires JavaScript.

Mga Koreanovela na Ipinilabas sa Pilipinas noong taong 2005

Makikitaan ng epekto ng pagpasok ng mga panlabas na kultura ang music video ng “Gitara” na ginawa noong 2005. Kumuha ng inspirasyon ang produksyon ng music video mula sa mga unang koreanovela na ipinalabas sa Pilipinas, partikular na sa GMA Network noong parehong taon, 2005, tulad ng “Full House”, “Stairway to Heaven” at “Jewel in the Palace”.

This slideshow requires JavaScript.

Tauhan at Tagpuan sa music video na naimpluwensiyahan ng Koreanovela sa Pilipinas

Patunay nito ang naging tagpuan ng istorya sa music video ng kantang ito. Mayroong temperate climate o katamtamang klima ang bansang Korea na may apat na iba’t ibang panahon: ang taglamig, tag-init, tagtuyot, at taglagas. Binase rito ang tagpuan sa music video ng Gitara. Mapapansin sa ilang parte ng music video na mayroong mga dinagdag na nagsisilaglagan na mga dahon at sa dulo, pinakita na tila nagni-niyebe ang tagpuan sa music video. Masasabing sinadya ito at hinango talaga sa Koreanovela ang music video dahil walang ganoong klaseng klima ang Pilipinas.

Pagdating naman sa kasuotan ng mga tauhan, angat na angat ang impluwensiya ng Koreanovela. Mapapansin sa mga larawan sa taas na nakasuot ang mga tauhan ng patong-patong na makakapal na mga kasuotan para sa taglamig. Ito ang kadalasang kasuotan ng mga Koriyano upang maibsan ang lamig ng panahon. Kapansin-pansin rin ang kanya-kanyang pormahan ng bawat miyembro ng banda sapagkat nagpapakita ang kanilang mga kasuotan ng naging impluwensiya ng mga koreanovela sa Pilipinas. Patunay rito ang sinuot ng bokalistang si Chito Miranda na damit na may nakaimprentang “KOREA” at larawan ng bandila ng bansang ito.


LIRIKO:

Masasalamin sa Liriko ng Kantang ‘Gitara’ ng Parokya ni Edgar ang kulturang Pilipino sa larangan ng Pag-ibig at Pagsuyo

This slideshow requires JavaScript.

“Gitara”
Bakit pa kailangang magbihis
Sayang din naman ang porma
Lagi lang namang may sisingit
Sa twing tayo’y magkasama
Bakit pa kelangan ang rosas
Kung marami namang nag-aalay sayo
Uupo na lang at aawit
Maghihintay ng pagkakataon
Hahayaan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara
Mapapagod lang sa kakatingin
Kung marami namang nakaharang
Aawit na lang at magpaparinig
Ng lahat ng aking nadarama
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Idadaan na lang sa gitara
Pagbibigyan na lang silang
Magkandarapa na manligaw sayo
Idadaan na lang kita sa awitin kong ito
Sabay ang tugtog ng gitara
Oooohhhh ..
Idadaan na lang sa gitara

Mapapansin ang pagbabalik ng kakaibang dating ng gitara sa larangan ng panliligaw ng mga Pilipino sa pamamagitan ng panghaharana. Natural na mahilig ang mga Pilipino sa musika kaya isang paraan ng panliligaw ang panghaharana na nagmula pa sa mga naunang henerasyon. Gumagamit ng musika ang mga Pinoy sa pagsungkit ng puso at loob ng kanilang mga iniibig.

Makikita sa music video na sa dami ng manliligaw ng tauhang dalaga na silang panay sa pagbigay ng mga rosas at pag-alay ng kung ano-ano, iba pa rin ang naging dating ng musika, harana, at ng “Gitara” para sa isang dalagang Pilipina.



Panapos

Bagaman pinapasok ng publikasyon ang impluwensiya ng Koreanovela sa paggawa ng kanilang music video para sa kantang “Gitara” sa pamamagitan ng pagkuha ng mga konsepto para sa tagpuan at kasuotan ng mga tauhan, hindi naman nila hinayaang hindi maitampok ang ilan sa mga sariling kulturang Pilipino. Partikular na dito ang pagpapakita ng mga eksenang nagtatampok sa mga kulturang Pilipino sa larangan ng pag-ibig at panunuyo o panliligaw ng mga Pilipino, ang panghaharana. At siyempre, pinakatampok dito ang galing at husay ng bandang Parokya ni Edgar na siyang nagsisilbing inspirasyon ng marami sa larangan ng musikang Pinoy.




TALASANGGUNIAN

SANGGUNIAN NA ONLINE

“Best Performance by a Female Recording Artist.” Razor Tie Artery Foundation Announce New Joint Venture Recordings | Razor & Tie. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://web.archive.org/web/20060410072305/http://www.awitawards.com.ph/finalists2006.html.

“Climate and Average Monthly Weather in South Korea.” Climate and Average Monthly Weather In: Caracas, Venezuela. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://weather-and-climate.com/average-monthly-Rainfall-Temperature-Sunshine-in-South-Korea.

“Full House.” GMA Asianovelas: The Heart of Asia. In-access noong ika-6 ng Setyembre, 2018. http://gmaasianovelas.weebly.com/full-house.html.

“Harana, the Lost Ritual in Pinoy Courtship.” The Pinoy Warrior. In-access noong ika-6 ng Setyembre, 2018. http://www.thepinoywarrior.com/2011/02/harana-lost-ritual-in-pinoy-courtship.html.

“Jewel in the Palace.” GMA Asianovelas: The Heart of Asia. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018.http://gmaasianovelas.weebly.com/jewel-in-the-palace.html.

“Korean Television Dramas in the Philippines.” Wikiwand. In-access noong Ika-20 ng Setyembre,2018.http://www.wikiwand.com/en/Korean_television_dramas_in_the_Philippines.

Lopez, Jacinda A. “OPM #Hugot Playlist Of 2005.” https://www.cosmo.ph. Hunyo 29, 2015. In-access noong ika-6 ng Setyembre, 2018. https://www.cosmo.ph/entertainment/opm-hugot-playlist-of-2005.

“LOVE, COURTSHIP IN FILIPINO CULTURE.” Vietnam: Timeline of Events to 1974. In-access noong ika-6 ng Setyembre, 2018. http://www.seasite.niu.edu/tagalog/love.htm.

“OPM Songs in 2005-2007.” PinoyExchange.com. Marso 17, 2010. In-access noong ika-6 ng Setyembre, 2018. https://www.pinoyexchange.com/discussion/433988/opm-songs-in-2005-2007.

“Stairway to Heaven.” GMA Asianovelas: The Heart of Asia. In-access noong ika-6 ng Setyembre, 2018.http://gmaasianovelas.weebly.com/stairway-to-heaven.html.

Sutton, Michael. “The Eraserheads | Biography & History.” AllMusic. In-access noong Ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.allmusic.com/artist/the-eraserheads-mn0001860858/biography.

“The Art of Harana (2003/2008) | Florante Aguilar.” Florante Aguilar RSS. In-access noong ika-6 ng Setyembre, 2018. https://floranteaguilar.com/artofharana/.

Trishalagmay. “Parokya Ni Edgar *pambansang Banda Ng Pilipinas*.”PinoyExchange.com.August 12, 2008. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.pinoyexchange.com/discussion/357768/parokya-ni-edgar-pambansang-Banda-ng-pilipinas.

MGA LARAWAN

Binibiningclara, Aldren.d August 20, 2015, Binibiningclara August 31, 2015, and Rod245-600 March 11, 2015. “Harana.” 8tracks. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018 https://8tracks.com/binibiningclara/harana.

Bushido. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. http://bushido-inc.blogspot.com/2005/07/youll-be-safe-here.html?m=0.

“Harana – A Haiku Deck by Isaiah Flores.” Haiku Deck: Presentation Software and Online Presentation Tools. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.haikudeck.com/harana-uncategorized-presentation-YJbCdAxkIw.

Libre, Ace. “Parokya Ni Edgar’s Enduring Legacy.” Esquiremag.ph. January 01, 1970. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.esquiremag.ph/culture/arts-and-entertainment/why-parokya-ni-edgar-s-full-discography-just-hit-spotify-a1608-20170822.

Nadal, Kitchie, and Huwag Mong Sasabihin. “Remember Kitchie Nadal Who Sang “Huwag Na Huwag Mong Sasabihin?” Here Is She Now.” Philippine News. February 07, 2018. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://philnews.ph/2018/02/07/still-remember-kitchie-nadal-sang-huwag-na-huwag-mong-sasabihin-now/.

“Parokya Ni Edgar.” DeviantArt. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.deviantart.com/kanuto1028/art/Parokya-ni-Edgar-727290066.

Projectmaria. “Parokya Ni Edgar – Gitara.” YouTube. January 30, 2011. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=Y93Xqqaz-DA&feature=youtu.be.

“R/Philippines – Uso Pa Ba Ang Harana?” Reddit. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/7vjui3/uso_pa_ba_ang_harana/.

Rapplerdotcom. “‘The Day You Said Goodnight’ – Hale.” YouTube. October 18, 2017. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=MjBwECEowPU.

“Stairway to Heaven.” Galeri Eden. March 03, 2012. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://edengallery.wordpress.com/2010/01/17/stairway-to-heaven/.

FFE. “Filipino Icon: Harana.” FFE Magazine. May 12, 2014. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. http://ffemagazine.com/filipino-icon-harana-2/.

FFE. “Filipino Icon:Harana.” FFE Magazine. May 12, 2014. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. http://ffemagazine.com/filipino-icon-harana-2/.

MGA VIDEO

CakeVEVO. “Cake – I Will Survive.” YouTube. May 05, 2017. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=f9rCUQjmkxU.

Cleofecabanig. “One Hit Combo Feat. Gloc9 Official Video.” YouTube. March 14, 2012. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=NDl1xr5ZliY&feature=youtu.be&t=1m28s.

Moonsesa. “Kitchie Nadal – Wag Na Wag Mong Sasabihin.” YouTube. August 05, 2006. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch=-0WBQmiwp50.

Parokyaniedgarvideos. “Parokya Ni Edgar – the Ordertaker Feat. Jay Music Video.” YouTube. January 06, 2012. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=tRO_137MQh0.

Polyeastrecords. “Hale – The Day You Said Goodnight (Official Music Video).” YouTube.November 07, 2012. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018.

Projectmaria. “Parokya Ni Edgar – Buloy.” YouTube. January 29, 2011. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=WyFHI6NZgpM.

Projectmaria. “Parokya Ni Edgar – Gitara.” YouTube. January 30, 2011. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=Y93Xqqaz-DA&feature=youtu.be.

Projectmaria. “Parokya Ni Edgar – Maniwala Ka Sana.” YouTube. January 29, 2011. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=BiQFhd8JNeQ.

Rakistakilles11. “Rivermaya – You’ll Be Safe Here.” YouTube. August 06, 2007. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=TK7QUj1_MiM.

SystemofadownVEVO. “System Of A Down – Chop Suey!” YouTube. October 02, 2009. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=CSvFpBOe8eY.

SystemofadownVEVO. “System Of A Down – Toxicity.” YouTube. October 02, 2009. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=iywaBOMvYLI.

UniversalRecPH. “Parokya Ni Edgar – Picha Pie (Official Music Video).” YouTube. November 07, 2017. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=katm1LGZlmY.

UniversalRecPH. “Parokya Ni Edgar – Silvertoes (Official Music Video).” YouTube. November 06, 2017. In-access noong ika-20 ng Setyembre, 2018. https://www.youtube.com/watch?v=O_EahV9itqw.